Pagtalakay sa Isyu, Produksyon at Mensahe ng Pelikula
Karamihan sa mga pelikulang ating napanuod, masasabi natin kung anong uri ang mga ito. maaaring fiction, fantasy, comedy, drama, etc. Kadalasan pa nga, alam na natin ang mga susunod na mangyayari maging ang katapusan nito. Kung minsan, depende sa tema, kapag mahirap, inaapi. Kapag mayaman naman, sa mansyon nakatira at magarbo ang kanilang gayak.Nakakasawa na nga eh.
Sa aking pagsiyasat sa pelikulang ito. Aking iisa-isahin ang mga detalye sa likod neto, maging ang mga nangyari matapos maipalabas ito.

Ang "Babae Sa Septic Tank" ay isang Filipino Comedy Independent Film na pinagbidahan ni Eugene Domingo bilang Mila. Ito ang opisyal na entry para sa 2011 Academy Awards para sa Best Foreign Film at 2011 Cinemalaya Festival.
Ito ay isang kwento kung saan ang isang ina, dahil sa konsepto na walang-wala at kawalan ng pag-asa, nagawa niyang magbenta ng kanyang anak sa isang pedophile (Ang taong sekswal na naaakit sa mga bata). Nakikita ito tulad ng isang pagkakataon upang ipakita sa mundo ang katotohanan na ang kahirapan pa rin ang naghahari sa ating lipunan.
Ilan sa mga isyung aking napansin at napuna sa pelikula ay ang mga sumusunod :
ü
Child Trafficking


Ang pagsasama-sama ng mga sangkap na ito sa isang pelikula ay lubos na mapanghamon upang mapukaw ang emosyon ng publiko.

INDIE FILMS -- nagkaroon eto ng isang angkop na lugar sa puso ng mga taong mahilig sa pelikula, maging sa nananampalataya sa talento ng pinoy.
Ang bentahe ng Indie Films tulad ng "Ang Babae sa Septic Tank" ay namamalagi sa katunayan na maaari nilang matugunan ang napakaraming bilang na isyu na hindi posible sa tinaguriang commercial films.
Ang pelikula ay kahanga-hanga at masasabi kong "refresh" upang makita ang isang indie film na may isang storyline na naglalarawan sa kung paano gumawa ng isang indie film.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento