Sabado, Hulyo 13, 2013

ANAK; REBYU NG PELIKULA

Ang mga magulang ay laging naghahangad ng kabutihan para sa kanilang mga anak.
Ito ang nakita ko bilang sentro ng pelikula.

Ang pelikulang ito ay hango sa buhay ng tunay na pilipino. Sumasalamin ito sa buhay ng isang ina, ang lahat ng kanyang sakripisyo, mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.

Ang istorya ay tungkol sa paghihirap ng isang ina at ang kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Kahit malayo sya , tiniis nya hirap at pasakit sa kamay ng mapang.abuso nyang amo para mabuo pa rin ang kanilang pamilya at upang matustusan ang kanilang pangangailangan

Sa kanyang pagbalik, ang buong akala nyang masayang pagkikita nila ng kanyang mga anak, ang pagkawala nya sa piling nila ang umpisa ng pagkakahiwa-hiwalay ng kanyang mga anak. Si Caludine Barreto na gumanap bilang Carla, panganay na anak ay nagkulang sa gabay ng isang magulang kaya naligaw ng landas at nalulong sa masamang bisyo. Si Bar
 on Geisler bilang si Michael, pangalawang anak. Laging napapaaway sa eskwelahan. Shiela Junsay naman bilang Daday, ang bunsong anak na hindi man lang kilala ang kanyang ina.


Nakatuon ito sa pagitan ng anak at magulang na relasyon. Na dumating sa pagsubok na may kinalaman sa kawalan ng komunikasyon at hindi pagkakaintindihan.



Masasabing simple at pangkaraniwan lang ang istorya, ngunit ito ay naging extraordinary dahil sa mga artistang nagsipagganap at matitinding dialogues na nakapukaw ng atensyon at nagdala sa emosyon ng mga manunuod upang maramdaman ang mga mensaheng nais iparating  ng mga karakter.
Ipinakita rin nito ang pagbabago ng estado ng babae’t lalake pagdating sa tingin sa mga  responsibilidad. Mga babae na ang gumagawa ng dapat sana’y sa lalake. Ang dating mababang pagtingin sa mga kakayahan ng babae ay napalitan na ng pagtinging kaya na rin ng mga babae, at higit sa lahat kaya pang higitan.
Tamang-tama din ang theme song ng pelikula, ito ang nag.set ng mood sa mga manunuod. Nag.iwan at patuloy na nagpaalala ng mga aral sa buhay ang pelikulang ito.





























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento