Martes, Hulyo 2, 2013

HIMALA

                          
                                  Walang Himala. Walang Nora Aunor



               HIMALA - kapag naririnig, nababasa, at nakikita ko ang salitang ito, Ang unang naiisip ko ay ang relihiyon.

               Ang relihiyon ay usaping malawak at ito ay sagrado. Ito ang paksa na walang katapusan, kahit na makipagdebate pa tayo sa kung kanino, walang mananalo ni isa sa atin! Hindi rin nauubos ang bukas para matapos ang usapang ito.


               Ito ay isang Filipino Film na dinirek ng National Artist for film na si Ishmael Bernal, kaisa ang manunulat na si Ricky Lee noong 1982 na ginanapan ni Nora Aunor bilang Elsa. Batay sa isang tunay na pangyayari sa isang dalaga sa Cabra Island sa lalawigan ng Occidental Mindoro noong 1966 at 1977.

               Humakot ito ng maraming parangal sa taunang Metro Manila Film Festival. Ginawaran din ng parangal bilang Best Asia Pacific Film of all time ng CNN-APSA (Asia Pacific Screen Awards). Nagkaroon din ito ng oportunidad maging sa labas ng bansa. Naging official entry sa Berlin International Fim Festival na ginanap sa Germany at napiling entry sa 19th Chicago International Film Festival sa Amerika.

               

Ito ay isang kwento ni Elsa, 24 taong gulang, simpleng probinsyanang nagsasabing nagpakita sa kanya ang mahal na birhen ng isang tanghaling tapat ng dumilim, nang natakpan ng buwan ang araw.


Sa Cupang, isang maliit na baryo sa Pilipinas na matagal na ring hindi dinaratnan ng ulan kung kaya't nagbibitak ang mga kalsada at natutuyo ang mga pananim. Ayon sa mga taga dito, naniniwala silang sinumpa ang kanilang bayan na kinabibilangan ng baryo nila.



Simula ng nagpakita sa kanya ang mahal na birhen, nagkaroon na din siya ng abilidad na makapanggamot ng mga may sakit na syang pumukaw sa atensyon ng mga taga doon at naging dahilan upang sambahin nila ang kani-kanilang diyos-diyosan, eto ay ang mga rebulto.
Ito rin ang naging instrumento sa mahimalang daloy ng buhay sa panahon ng tagtuyot at kahirapan sa nasabing bayan. 


               Ipinapakita lamang neto ang isang parabula ng "art" at "buhay", pananampalataya at katotohanan, pag-asa at kawalan ng pag-asa sa isang lipunan na nahimok sa pagkawalang taros sa pamamagitan ng paghihikahos.



               Ang pelikula ay nakasentro sa isyu ng mga sumusunod :

                 ü   Religious faith and faithlessness
                 ü   Morality
                 ü   Truth

               Nag-iwan ito ng linya na hindi makakalimutan at talaga namang tumatak sa isipan ng mga taong nakapanuod, eto ay ang:



"Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! 
Tayo ang gumagawa ng mga himala! 
Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos"
- Elsa


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento